top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Seniors sa QC lumahok sa digital literacy training ng LGU, Globe Group

1/30/24, 4:00 AM

Ni MJ Blancaflor

Lumahok ang 400 senior citizens sa Quezon City sa isang digital literacy training na naglalayong matulungan ang mga nakatatandang residente ng lungsod na gumamit ng makabagong teknolohiya.

Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng lungsod at Globe Group, isinagawa ang "Teach Me How To Digi: #SeniorDigizen Learning Session" noong nakaraang linggo para turuan ang senior citizens ng digital skills tulad ng paggamit ng smartphones.

Sa nasabing learning initiative, itinuro din sa seniors ang paggawa ng Gmail account, paggamit ng financial technology platform na GCash, at pag-access sa telehealth services ng KonsultaMD mobile app.

"In QC, we give our seniors top priority in terms of public services to help them live their sunset years as active and productive members of society," ani Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Binigyang-diin din ni Globe Group President and CEO Ernest Cu ang kahalagahan ng pagtuturo sa seniors ng digital technology at online services upang maalis ang kanilang pangamba sa paggamit nito.

"We have to help the seniors overcome their fear, and I guarantee you that once you try it, it’s going to be as easy or much easier than the old manual way," sabi ni Cu.

Nakiisa sa okasyon sina National Commission of Senior Citizens chairperson Atty. Franklin Quijano at iba pang lokal na opisyal ng Quezon City.

Comments

Fikirlerinizi Paylaşınİlk yorumu siz yazın.
bottom of page