top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Sen. Cynthia Villar dinepensahan ang political dynasty; sinupalpal ng batang kongresista

3/6/25, 9:54 AM

Ni Samantha Faith Flores

Sinupalpal ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel si Sen Cynthia Villar matapos na hilingin depensahan ng senadora ang mga political dynasty sa bansa na kinabibilangan ng sarili niyang angkan.

"Di nagbasa ng Konstitusyon! Ang sabi dun, bawal ang political dynasty. Di sinabing bigyan muna ng chance ang mga dynasty na patunayan kung mabuti sila o hindi. Sakit sa ulo!" sinabi ni Manuel matapos na malaman ang posisyon ni Villar.

"Di po totoong pinipili ng mga botante ang mga dinastiya kung sila-sila rin lang ang nakakatakbo at nandaraya pa para manalo. May illusion of choice at democracy sa ating bayan dahil mismo sa mga dinastiya at korapsyon sa gobyerno,” ayon sa batang kinatawan.

Sa isang panayam iginiit ni Villar na walang masama sa pamamalagi ng mga political dynasty sa pamahalaan.

“There is nothing wrong with a dynasty that will serve the people,” diin ni senadora na tumatakbo ngayon bilang kongresista ng lone district ng Las Piñas.

Ang anak naman na bunso ni Villar na si Camille Villar ay nangangampanya bilang kahalili ng ina sa Senado bagamat wala naman maipakita itong magandang naipakita sa paggawa ng batas sa mahabang panahon niyang inilagi bilang kinatawan ng Las Piñas.

Higit na tatlong dekada na rin hinawakan ng pamilya Villar-Aguilar ang Las Piñas bilang mga halal na opisyal ng lokal na pamahalaan at ng Kongreso.

Ang anak ni Villar na si Sen. Mark Villar ay patuloy na uupo bilang senador at nakasabay pa sa Senado ang kanyang ina.

Ayon kay Manuel hindi naman nabigyan ng solusyon ng mga political dynasties sa bansa ang mga pangunahing problema ng mga Pilipino bagamat maraming panahon na silang naninilbihan.

"Kahit deka-dekada nang nakaupo ang mga dinastiya sa gobyerno, hindi pa rin nalulutas ang matagal nang mga problema sa kahirapan, katiwalian at pang-aapi ng dayuhang kapangyarihan. Malinaw na naging family first ang serbisyo ng mga dinastiya. Give chance to others na po. Huwag na natin to ipamana sa kabataan," ayon kay Manuel.

"Sa halalan ng mga Sangguniang Kabataan officials, ipinagbabawal na ang pagtakbo ng dinastiya. Liban sa pagpasa ng Anti-Political Dynasty Bill dapat sa pambansang halalan ipatupad na rin ang parehong pamantayan. Patas lang. Anuman ang ipatupad sa batas, hamon sa kabataan na sama-samang pausbungin ang bagong politika ng pag-asa sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating mga organisasyon at representasyon, loob o labas man ng eleksyon," ends Manuel.

Comments

Fikirlerinizi Paylaşınİlk yorumu siz yazın.
bottom of page