

HEADLINES
Sen. Bato idiniing muli sa drug frame up kay De Lima

10/22/24, 10:18 AM
Idiniin na rin ni Police Colonel Jovie Espenido si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa umanoy pag-frame up kay dating Senador Leila De Lima sa illegal drug trade noong pangulo pa si dating Presidente Rodrigo Duterte.
Humarap si Espenida sa House of Representatives Quad Committee nitong Martes (Oktubre 22) kung saan kinumpirma nito na sinabihan silang dalawa ni Kerwin Espinosa na isangkot si De Lima sa kalakalan sa droga sa New Bilibid Prison.
Dumating din sa pagdinig si De Lima na lubhang natuwa sapagkat lumalabas na ang katotohanan tungkol sa pagdawit sa kanya ng Duterte administration sa droga.
Si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police noong mga panahon na inipit si De Lima.
Nakulong ng matagal si De Lima dahil sa maling paratang. NMakalabas siya nang mapatunayang inosente.
Sa pagtatanong ni Batangas Rep. Gerville Luistro kinumpirma ni Espenido na tama ang naunang testimonya ni Espinosa sa Quadcomm na inutusan sila ni Bato upang maging pareho ang kanilang pagdadawit kay de Lima sa drug trade.
Sa kanyang testimonya noong Nobyembre, 2016, sinabi ni Espinosa na nagbigay siya ng PHP8 milyon galing sa droga kay De Lima. Binawi niya ang testimonyang ito nang humarap siya sa Korte na noon ay naglilitis sa dating senadora.
Nang tanungin ni Luistro kung binabawi rin niya ang testimonya laban kay De Lima, tumugon si Espenido ng oo.
Noong 2016, sinabi ni Espenido sa imbestigasyon ng Kamara na mayroong larawan si De Lima at Espinosa na magkasama sa Baguio.
Inaasahang tatawagin din si Espenido ng mga senador sa sandaling magsimula na ang parallel probe na isasagawa ng Senate Blue Ribbon Committee sa madugong drug wars noong kapanahunan ni Duterte.