top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Romualdez iba pang opisyal ng kamara kinasuhan ng kasong graft atbp

2/10/25, 11:42 AM

Ni Samantha Faith Flores

Sinampahan ng graft at iba pang sakdal kriminal sina House Speaker Ferdinand Romualdez at iba pang mga beteranong miyembro ng Mababang Kapulungan dahil sa PHP241-bilyon na halaga ng “insertions’ sa pinaloob sa 2025 national budget.

Sa mga reklamong inihain sa Office of the Ombudsman nitong Lunes (Peb. 10), inakusahan nina dating Speaker Pantaleon Alvarez, mga abogado na sina Ferdinand Topacio at Jimmy Bondoc at Virgilio Garcia ng 12 counts ng falsification of legislative documents at 12 counts na graft laban kay Romualdez.

Kasama sa mga inasunto sina House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, dating tagapangulo ng Committee on Appropriations at Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo, kasalukuyang appropriations chair.

Dalawa pang tao na may alyas “John Doe” at “Jane Doe” ang kasama sa reklamo.

Ayon kay Topacio ang mga ‘insertions” na napaloob sa budget ay 12 uling ginawa base sa bicameral report.

“Iyon ang dahilan kung bakit 12 ulit dahil ang mga puwang ay 12 ulit nilang pinunan. Iyon isa na inaprubahan ng bicam (bicameral conference committee) ay may zero nakasulat. Dapat zero pagdating sa pangulo, hindi na ito mababago maliban kung may typographical error, mali sa spelling, formatting o wrong grammar,” paliwanag ni Topacio.

Ang mga nagreklamo ay pawang mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Si Bondoc ay tumatakbong senador sa ilalim ng PDP-Laban na partido ni Duterte.

“You can’t put zero and make it PHP90 billion or PHP80 billion, even PHP10,000 or PHP1. It’s just zero So we counted 12 times of such insertion,” dagdag ni Topacio.

Ito na ang pangalawang isinampang kaso sa korte ukol sa kontrobersiya sa 2025 budget.

Matatandaan noong Enero 27 ay nagsampa ng petisyon sa Korte Suprema sina dating Executive Secretary Victor Rodriguez at Davao City Rep. Isidro Ungab upang ipadeklarang “unconstitutional” ang Republic ACt no. 12116 o ang GAA of 2025.

Inutusan ng Korte ang Kongreso upang sagutin ang mga alegasyon nina Rodriguez at Ungab.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page