top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Roll out ng mas murang bigas sisimulan sa susunod na linggo

2/11/25, 5:37 AM

Ni Tracy Cabrera

DILIMAN, Lungsod Quezon — Inaasahang sisimulan na ng National Food Authority (NFA) ang roll out ng mas murang bigas sa 50 local government unit (LGU) sa susunod na linggo, inanunsyo kahapon ng Department of Agriculture (DA).

Kasunod ito ng pagdeklara ng pamahalaang nasyonal ng food security emergency on rice sa gitna ng sinasabing “extraordinary price hike" ng bigas sa mga pamilihan.

“May documentation kasi na kailangan gawin between NFA to FTI (Food Terminal Incorporated), then FTI to LGU (local government unit),” pinunto ni agriculture secretary Francisco Tiu Laurel.

“Next week hopefully maro-roll out na po 'yan,” aniya.

Kabilang sa mga lugar na nag pahayag ng pagnanais na makabili ng murang bigas mula sa NFA ay ang Navotas at San Juan sa National Capital Region (NCR); GMA sa Cavite, Cainta, Taytay, Batangas City, Calamba City, San Jose, Calapan City at Puerto Princes City sa Region IV;

Naga City, Masbate City, Pilar at Sorsogon sa Region V; Iloilo City, Escalante City, Victorias City, Silay City, EB Magalona, Talisay City, Manapis, Cadiz City, Sagay City, Taboso, Calatrava, San Carlos City, Bacolod City, Valladolid, San Enrique, Pontevedra, Hinigaran, Binalbagan at Himamaylan sa Region VI;

Cebu sa Region VII; Zamboanga del NORTE sa Region IX; Dipolog, Sibuco, Labason, Zamboanga del Sur, Dimataling, Dumingag, Zamboanga Sibugay, Siay, Naga, Buug at Imelda sa Region X; at Mati City sa Region XI.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page