top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Robredo: Pagdagsa nina Duterte, atbp pulitiko sa Peñafrancia, hindi kinukulayan ng pulitika

9/21/24, 8:15 AM

Walang kulay at amoy ang pulitika kapag ang pinag-uusapan ay ang pagpunta ni Vice President Sara Duterte at ang pagdagsa pa ng mga pulitiko sa Bicol upang dumalo sa pista ng Our Lady of Peñafrancia, ang patron ng probinsya.

Ito ang komentaryo ni dating Ikalawang Pangulo Leni Robredo nang tanungin siya kung naniniwala siyang may halong pulitika ang biglang pagpunta ng mga opisyal ng pamahalaan at mga kilalang pulitiko sa kanilang bayan, higit sa Naga City, Camarines Sur kung saan siya nakatira.

Bukod kay Duterte, napabalita rin na dumalaw sa tahanan ng lider oposisyon sina Local Government Secretary Benhur Abalos at Sen. Ramon “Bong” Revilla. Inaasahan ang pagdagsa pa ng maraming mga pulitiko sa lugar ni Robredo.

“Kapag Peñafrancia dito sa amin, wala naman kulay ng pulitikang tinitingnan.” paliwanag ni Robredo sa mga mamamahayag.

“Politically neutral dito sa amin. Lahat ng pumupunta para kay Ina ay welcome dito sa amin,” dagdag ni Duterte na naghahanda na upang tumakbong alkalde sa Naga City.

Ayon kay Robredo ang tradisyon pagtanggap ng pamilya sa lahat ng uri ng pulitiko ay matagal nang ginagawa ng kanyang pamilya tuwing Pista ng Peñafrancia. Ito ay sinimulan ng kaniyang yumaong asawa na si Secretary Jesse Robredo.


Nasa magkalabang paksyon sina Robredo at ang kanyang mga naging bisita noong tumakbo ang lider of Bicol politics sa pagka-presidente at natalo sa kasalukuyang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Si Duterte ang naging ka-tandem ni Marcos noong 2022 at ang isa sa malalaking dahilan kung bakit nanalo ang anak ng dating diktador ng nasirang dating Presidente Ferdinand E. Marcos.

Kasama si Abalos sa pinakamalapit na campaign advisers ni Marcos noong 2022. Naghahanda na umano ang opisyal upang tumakbo bilang senador sa koalisyong susuportahan ng Marcos government.

Samantala, si Revilla naman ay pangulo ng Lakas-CMD na partido ni Speaker Martin Romualdez. Ang dating pinaka-makapangyarihang partido sa bansa ay kumampi rin sa Marcos-Duterte tandem.

Matapos makinabang kay Duterte, inabandona na ni Marcos ang dating ka-tandem at inaasahang susuporta ito sa kanyang pinsang si Romualdez.

Sina Romualdez at Duiterte ang inaasahang maglalaban para sa pagka-pangulo sa darating na 2028.

Bagamat papaasok sa lokal na eksena si Robredo, siya pa rin ang nananatiling pambato ng oposisyon laban kina Duterte at Romualdez.

Photo from newsko.com.ph

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page