top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Richard Gomez hindi magpapatinag sa death threats

5/18/24, 5:39 AM

Target umano ng "assassination plot" si Leyte 4th District Rep. Richard Gomez dahil sa pag-aksyon niya sa mga iligal na aktibidad sa kanyang distrito.

Ibinunyag ni Goma kamakailan na mayroong banta sa kanyang buhay, apat na alkalde, pati ilang barangay officials sa third at fourth district ng lalawigan.

Batay sa impormasyong nakalap ng kanyang kampo, malaki ang halagang ipinatong sa kanyang ulo na iniaalok umano sa "gun-for-hire groups."

"When I decided to join public service and serve my constituents in the fourth district of Leyte, I was aware that doing so came with risks," saad niya.

Sa kabila nito, hindi siya magpapaapekto sa naturang banta at patuloy pa rin niyang gagampanan ang kaniyang tungkulin sa lalawigan.

"I repeat: I will not be stopped from serving and performing my mandate," anang opisyal.

"I will continue to oppose the illegal activities of local executives in the different municipalities of my district even if my personal interests, including my life, are put on the line," dagdag pa niya.

Hindi na pinangalanan ni Goma ang nasa likod ng nasabing assassination plot, pero kilalang illegal drug hotspot ang Leyte.

Naging myembro rin sila ng kanyang kabiyak, Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez, ng partidong PDP-Laban ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections na nakilala sa anti-drug stance.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page