top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

QC students naglakad ng ilang oras, stranded sa Bataan dahil sa sablay na foundation day

1/29/25, 5:44 AM

Hinimatay umano ang ilang estudyante ng Bestlink College of the Philippines, isang pribadong kolehiyo sa Novaliches, Quezon City, matapos maglakad ng apat na oras sa Hermosa, Bataan upang makarating sa bus na maghahatid sa kanila pauwi mula sa foundation day celebration noong Enero 26.

Ayon sa ulat ng "24 Oras," natapos ang programa bandang 6:30 p.m. at napilitang maglakad ang mga mag-aaral nang ilang kilometro dahil sa ibang barangay nakaparada ang kanilang mga bus.

Sa social media, kumalat ang mga video at larawan ng mga estudyanteng naglalakad sa highway disoras ng gabi na umani ng libo-libong reaksyon at batikos mula sa netizens.

Ilang nagmagandang-loob na residente ang nag-abot sa mga estudyante ng tubig at pagkain sa kanilang paglalakad.

Kwento ng isang estudyanteng video uploader, hindi organisado ang transportasyon at kulang sa preparasyon ang event.

“There were no accommodations, no proper guidance, and students were left under the sun without preparation. Many students even fainted due to exhaustion and lack of care from the organizers,” anang mag-aaral.

“Our bus even overheated and started smoking, leaving us in a panic. It brought back haunting memories of the 2017 tragedy caused by the same negligence of this school,” dagdag niya.

Noong 2017, nasangkot ang Bestlink sa kontrobersya matapos ang aksidente ng isa sa kanilang mga bus na papunta sa field trip sa Tanay, Rizal, na ikinasawi ng 15 katao.

Iniimbestigahan na ng Commission on Higher Education (CHED) at ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang insidente.

Naglabas ang CHED ng show cause order laban sa Bestlink College dahil sa pagsasagawa ng off-campus activity nang walang sapat na dokumentong isinumite sa CHED Regional Office - NCR.

Wala pang pahayag ang Bestlink College ukol sa nandito. #

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page