top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Puspusan ang gagawing manhunt kay Bantag, mga pugante — bagong CIDG chief

9/27/24, 7:49 AM

Ni Tracy Cabrera

KAMPO CRAME, Lungsod Quezon — Sa pagkakatalaga niya bilang ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng pambansang pulisya, hinayag ni Brigadier General Nicolas Torre III na puspusan ang isasagawang paghahanap sa mga taong tinutugis ng batas kahit mga opisyal o dating opisyal ng pamahalaan na may arrest warrant order mula sa korte.

Kabilang din umano rito, punto ng dating hepe ng Davao Regional Police, yaong inisyuhan ng warrant of arrest ng House Quad Committee na pinamumunuan ni Surigao del Norte District II representative Robert Ace Barbers, tulad ni dating spokesman ni ex-president Rodrigo Roa Duterte at abogadong si Atty. Herminio ‘Harry’ Roque.

Kinokonsiderang pugante si Roque sanhi makaraang mabigo isumite ang mga dokumentong hinihingi sa kanya ng House Quad Comm at gayun din sa pagtangging dumalo sa imbestigasyon ng nasabing komite sa giyera kontra droga ng dating administrasyong Duterte at pagkamatay ng ilang mga drug personality habang nakadetine sa piitan.

Ayon kay General Torre, partikular na tutugisin ng pulisya si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na nahaharap sa kasong murder charges kaugnay sa brutal na pamamaslang sa broadcaster na si Percival ‘Percy Lapid’ Mabasa.

Habang hinihintay pa ang magiging direktiba mula kay Philippine National Police (PNP) chief Lieutenant General Rommel Francisco Marbil ukol sa pagdakip kay Roque, sinabi ng bagong talagang hepe ng CIDG na handa siyang pangasiwaan ang pagtugis kay Bantag at iba pang mga pugante.

Nagbabala si Torre, 54, na hindi lulubayan ng pulisya ang pagtugis sa mga wanted person at panahon lang ang makakapagsabi kung patuloy silang makakaiwas na harapin ang kanilang kaso bago madakip, gaya ng matagumpay na pagkakahuli kay Kingdom of Jesus Christ (KoJC) founder Apollo Quiboloy na nahaharap sa reklamong qualified human trafficking at child abuse.

“Kahit na magtago sila sa ilalim ng lupa, hahanapin namin sila at huhulihin,” pangako ni Torre.

Samantala, hinayag naman ni Major General Leo Francisco, na pinalitan ni Torre, na hindi na kailangan pang imbestigahan ang mga alegasyon na tinulungan ng isang dating PNP chief na makaalis ng bansa si dating Bamban mayor Alice Guo dahil sa pag-amin ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCor) senior vice president Raul Villanueva na binatay lang ang alegasyon lang sa tsismis.

Ang bagong hepe ng CIDG na si Brig. Gen. Nicolas Torrre III. (Larawan mula sa )

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page