top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Presyo ng petrolyo tataas sa Bisperas ng Pasko

12/20/24, 4:17 AM

Magpa-gas na!

Tataas ang presyo produktong petrolyo sa Bisperas ng Pasko, ayon sa Department of Energy (DOE).

Tinatayang P0.35-P0.70 kada litro ang price hike ng gasolina, habang magmamahal naman ng P1.10-P1.40 kada litro ang diesel.

Bukod dito, aakyat naman ng P0.90-P1.00 kada litro ang presyo ng kerosene.

Paliwanag ni DOE Assistant Director Rodela Romero, ang mga taas-presyo ay ipapatupad sa Disyembre 24, base sa apat na araw ng trading ng Mean of Platts Singapore.

Aniya, paghina ng piso ang pangunahing dahilan nito lalo pa't umabot sa P58.98 ang halaga ng $1.

"Alam naman natin na lahat ng produkto na binibili sa labas ng bansa ay ginagamit po natin dollar. Sabi nga nila, pinakamataas ito mula pa noong 2022," anang opisyal.

Sa kabilang dako, bumaba ang imbentaryo ng krudo at distillates sa Amerika, habang tumaas naman ang imbentaryo ng gasolina noong nakaraang linggo, ayon sa US Energy Information Administration.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page