

HEADLINES
Prayer rally sa Senado kontra Charter change ikakasa sa Mayo 22

5/18/24, 5:33 AM
Nakatakdang ng prayer march ang ilang religious groups sa labas ng Senate building sa Pasay City sa Miyerkules, Mayo 22, upang ipahayag ang kanilang pagkontra sa isinusulong na Charter change.
Pangungunahan ng Caritas Philippines ang nasabing prayer march mula 3 p.m. hanggang 5 p.m. kung saan inaasahang dumalo ang iba't ibang dioceses sa Metro Manila.
Bukas din ito sa publiko at sinumang tumututol sa panukalang pag-amyenda sa ilang probisyon ng Saligang Batas.
“We would like to continue strengthening our anti-charter change campaign to ensure that our lay faithful are correctly informed and educated about the issues surrounding our Constitution,” ayon sa pangulo ng Caritas Philippines Bishop Jose Colin Bagaforo.
“Let us make our voices heard. Let us express our opposition to Charter Change. Let us show the true emotions of the Filipino people,” dagdag ng grupo.
Hinikayat din ni Bagaforo ang ilang parishes na magsagawa ng protesta o prayer rally sa kani-kanilang lugar.
Kasabay ng nasabing prayer march ang pagpapatunog ng kampana ng mga simbahan sa buong bansa at dedication ng panalangin sa Mother of Perpetual Help Novena para sa bansa.
Nakatakdang mag-adjourn ng session ang Senado at House of Representatives sa Sabado, Mayo 25, at mag-reresume sa Hulyo 22.