top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Pope Francis nagpapagaling sa bronchitis, nanawagang itigil Gaza conflict

3/4/24, 9:25 AM

Ni MJ Blancaflor

Nanawagan si Pope Francis noong Linggo, Marso 3, na itigil na ang gulo sa Gaza habang nagpapakita siya ng mga palatandaan ng paggaling sa bronchitis.

"Each day I carry in my heart with pain the suffering of the populations in Palestine and Israel due to the ongoing hostilities, thousands of dead, injured, displaced," sabi ng Santo Papa sa Roma.

Sa ulat ng Vatican media, binigyang-diin ni Francis sa mga mananampalataya ang masamang epekto ng kaguluhan sa mga bata.

Aniya, dapat na ring palayain ang mga hostage sa Hamas.

"Do you really think you can build a better world in this way? Do you really think you will achieve peace? Enough please! Let us all say enough please! Stop!" sabi ng Santo Papa.

Mas malinaw na ang boses ng 87-anyos na Santo Papa noong Linggo kumpara noong Sabado kung kailan naiulat na ipinaubaya niya ang pagbabasa ng kanyang talumpati sa kanyang aide dahil sa masama niyang pakiramdam.

"I have prepared a speech but as you can see, I am unable to read it because of bronchitis. I have asked Monsignor [Filippo] Ciampanelli to read it for me," sabi niya.

Ilang isyu sa kalusugan ang kinakaharap ni Francis. Kamakailan lang nang napilitan siyang kanselahin ang pagpunta niya sa Dubai para sa COP28 dahil sa kanyang sakit.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page