

HEADLINES
Pondo sa sin tax dapat ilagak sa PhilHealth, universal healthcare
_edit_15433213831767.jpg)
4/3/25, 8:56 AM
Ni Tracy Cabrera
ERMITA, Maynila — Gaya ng nakasaad sa batas, kinakailangang ilagak ang sin tax funds para sa PhilHealth at universal healthcare, ayon sa Korte Suprema.
Pinaalala ni Supreme Court Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa na ang mga sin tax laws, na siyang pinagmumulan ng pondo para sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Universal Health Care Act (UHCA), ay kailangang ilaan sa state insurer.
Nagugat ang argumentong ito mula sa mga deliberasyon sa mga petisyong hinain sa Mataas ng Tribunal at kinukuwestyon ang desisyon ng Kongreso na magbigay sa PhilHealth ng 'zero' government subsidy sanhi ng accumulated excess reserve fund ng PhilHealth.
Sinalungat din ni Caguioa ang pahayag ni Solicitor General Menardo Guevara na nasa Kongreso ang discretion ukol sa desisyon kung gaano kalaki ang ilalaan sa PhilHealth.
Pinunto ng Associate Justice ang Section 37 pa UHCA para tanungin: “So to you, it is still Congress that determines the amount to be appropriated (to PhilHealth) or whether any amount should be appropriated at all?”
Sang-ayon naman si Guevarra para sabihing na ito nga ang kanyang interpretasyon ng batas na hawak ng Kongreso ang discretionary power.
Tinukoy nito ang ilang bahagi ng nasabing section l—ang “amount necessary,” “shall be included,” at “shall be appropriated by Congress”—na kanyang ikinatuwirang nagsisilbing mga qualifier.