top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Pinsala ng El Niño sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula umabot na sa P151.3M

2/18/24, 12:05 PM

Ni MJ Blancaflor

Umabot na sa higit P151.3 milyon ang pinsalang idinulot ng El Niño sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula, ayon sa Task Force El Niño noong Linggo.

Sinabi ni Presidential Communication Office Assistant Secretary Joel Villarama, tagapagsalita ng task force, na ang mga nasabing rehiyon ang pinakaapektado ng El Niño.

"Ang pinsala diyan sa huling tala ng Department of Agriculture, umabot na sa P151.3 million. Ang bulk niyan mga 93% ay sa palay at ‘yung remaining 6% ay sa mais. Ito na ‘yung mga hindi na maisasalba na crops," aniya sa panayam ng Super Radyo dzBB.

Tinatayang 4,000 magsasaka raw ang apektado, na makatatanggap ng tulong mula sa DA at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kabilang din sa tulong mula sa pamahalaan ay mga alternatibong mapagkukunan ng kabuhayan tulad ng alagang hayop at mga punla na matibay at matatag sa init.

Paliwanag ni Villarama, may ilang mga pamamaraan sa pagsasaka tulad ng alternatibong pagbababad at paglilipat ng pagsasaka na maaaring subukan upang makapagtanim pa rin ng palay.

Bukod sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula, apektado rin ng tagtuyot ang Apayao, Benguet, Cagayan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Palawan, at Pangasinan.

Nauna nang tiniyak ng pamahalaan na nagsasagawa na ito ng mga hakbang upang matiyak ang supply ng tubig at pagkain kapag nag-peak pa ang El Niño sa Mayo. #

Samantala, sinabi ng task force na maaapektuhan ng El Niño ang 10 pang probinsya sa pagtatapos ng Pebrero.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page