top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Pinas kulelat sa work-life balance global survey

7/22/24, 9:22 AM

Isa ang Pilipinas sa mga bansang kulelat sa pinakahuling Global Life-Work Balance Index 2024 dahil umano sagad sa trabaho at kulang sa bakasyon ang maraming manggagawang Pinoy.

Nasa ika-59 pwesto ang Pilipinas sa kabuuang 60 bansa na kasali sa pag-aaral ng human resource platform Remote.

Ito ay matapos makakuha ang bansa ng iskor na 27.46 mula sa 100 na work-life balance, mas mataas lang nang kaunti sa Nigeria na umiskor ng 16.15 at umokupa ng ika-60 puwesto.

Inaral ng Remote ang average hours per week, minimum wages, annual leave policies, sick pay, maternity leaves, healthcare at iba pang factor sa 60 bansa sa nasabing global index.

''In essence, life-work balance isn’t a singular concern but a system of ethics. It involves several factors — from the hours we work to the healthcare support we receive — that work in unison to ensure we can perform to the best of our capabilities when we’re at work while enabling us to live a happy, healthy life outside of the workplace,'' ayon sa Remote.

Ilan sa mga nasipat na dahilan kung bakit mababa ang Pilipinas sa survey ay dahil mas kaunti umano ang binibigay na leave sa mga empleyado.

Ang mga matataas ang ranking ay nakakapagbakasyon ng 30 araw kada taon, habang sa Pilipinas, ang average ay 17 araw lang.

Nagtatrabaho rin ang mga Pinoy ng average na 40.63 oras kada linggo, habang ang mga bansang nasa mataas na pwesto ay nagtatrabaho lang ng 33 hanggang 36 oras kada linggo.

Nanguna ang New Zealand sa nasabing global index matapos makakuha ng iskor na 80.76. Sinundan ito ng Ireland, Belgium, Denmark, Canada, Germany, Finland, Australia, Norway, at Spain.

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page