top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Pilipinas malamang na maideklara nang aging population sa 2030

1/8/24, 10:35 AM

Inaasahang maililinya na ang Pilipinas bilang isa sa mga “aging populations” sa mundo anim na taon mula ngayon.

Ito ang ipinahayag ng Commission on Population and Development (POPCOM) ngayong Lunes (Enero 8). Sinabi rin ng POPCOM na patuloy na bumabagal ang paglago ng populasyon sa bansa.

Matatandaang noong 2022, iniulat ng POPCOM na sa loob ng nakaraang 20 taon, unti-unting lumolobo ang populasyon ng nakatatanda samantalang ang bilang naman ng mga batang Pilipino ay bumababa.

Noong 2020, nasa 9.2 milyon o 8.5 porsiyento ng populasyon ang mga Pilipinong nasa edad na 60 at pataas, o mga tinagurian ng batas na senior citizens.

Ayon naman sa National Commission of Senior Citizens inaasahang umabot na mula 11 hanggang 12 milyon ang senior citizens sakaling magkaroon ng census ang Philippine Statistics Commission sa hinaharap.

“Patuloy po tayong dadami, pero bumabagal, kumukonti ang pagdami. And in fact, sa amin pong pag-aaral by 2030, pwede na tayong i-classify ng UN na aging population,” sabi ni Undersecretary Lisa Grace Bersales sa isang panayam sa ABS-CBN.

“Ang ibig pong sabihin, tayo po ay …Ang ating mga 60 and abov e po ay mga seven percent of the population,” dagdag ni Bersales, executive director ng POPCOM.

Ayon sa projection ng mga eksperto sa demograpiya, aabot na sa 112 milyon ang mga Pilipino pagdating ng 2024.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page