top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

PhP5 dagdag presyo sa produktong petrolyo nakaamba sa Martes

6/20/25, 10:45 AM

Ni Raselle Joyce Flores

Aabot sa halos PhP5 kada litro ang itataas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo.

Inaasahan na patuloy ang upward trend ng mga halaga ng produktong petrolyo habang hindi pa nagkakaroon ng tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Iran na hindi pa rin tumitigil sa pagpapapalitan ng mga bomba at missiles.

Sinabi ng Department of Energy na maaaring umakyat sa PhP2.50 hanggang PhP3.20 bawat litro ang karagdagang presyo ng krudo sa darating na Martes.

Tinantaniya namang sisipa sa PhP4.30 hanggang PhP4.80 ang idadagdag sa bawat litro ng gasolina base sa apat na araw na trading sa global oil market.

Samantala ang kerosena naman ay inaasahang tataas mula sa PhP4.25 hanggang PhP4.40 bawat litro.

Ganito rin ang pagtantiya ng Jetti Petroleum.

Malaki na ang itinaas ng presyo ng mga nasabing produkto noong Martes, ilang araw matapos na lusubin sa aerial attacks ang Iran ng Israeli air force.

“Major oil price shock is looming as the Israel Iran conflict threatens critical shipping passage,” paliwanag ni Rodela Romero, assistant director ng DOE-Oil Industry Management Bureau.

Patay ang ilang sa mga malalaking heneral ng Iran at mga siyentipiko na umanoy nasa likod ng nuclear arms development ng Iran.

Bagamat ikinakaila ng Iran ang paratang, agad naman itong gumanti sa pamamagitan ng aerial missile attacks sa mga targets sa Israel, kasama na rito ang Tel-Aviv.

Nagkaroon na ng apela ang international community upang magkaroon ng tigil putukan ang dalawang nasa digmaan, ngunit wala pa rin nakikitang pag-asa upang humupa ang giyera.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page