top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

PFP, Lakas-CMD isa lang ang senatorial lineup sa 2025

5/9/24, 7:23 AM

Binubuo na ng Partido Federal ng Pilipinas at Lakas-CMD ang 12-senatorial lineup at full slate ng kanilang alyansa para sa 2025 mid-term elections.

Hindi pa nila ito mapapangalanan sa ngayon.

"We will be supporting one banner, the same banner for the 2025 elections," ani Lakas-CMD spokesman Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez.

"[As for] the composition of that slate, siguro antayin na lang natin," dagdag niya.

Opisyal na nagsanib-pwersa ang dalawang partido para umano sa paglulunsad ng "Alyansa para sa Bagong Pilipinas."

Ayon kay House Speaker at Lakas-CMD president Martin Romualdez, ang alyansang ito na ang pinakamalakas na political force sa bansa kung saan may 100 miyembro ang kanyang partido sa Kamara, habang nasa PFP naman ang mayorya ng mga lokal na opisyal.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page