top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Pasig congressional bet inulan ng batikos dahil sa viral ‘single mother’ joke

4/4/25, 11:04 AM

Ni Samantha Faith Flores

Inulan ng batikos ang isang kandidato para kongresista sa Pasig matapos mag-viral ang kanyang campaign speech kung saan niyaya niya ang mga single mothers na makipag-sex sa kanya.

Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian ang pangaral kay Christian “Ian” Sia na huwag niyang gawin target ng insulto at masagwang pagpapatawa ang kalagayan ng mga single parents, higit ang mga babae.

“As DSWD secretary, I simply do not find this funny,” ayon sa pahayag sa Facebook ni Gatchalian na matagal din nagsilbing kinatawan ng Valenzuela City sa Kongreso.

Sa kanyang talumpati sa entablado, sinabi ni Sia: “Minsan sa isang taon, ang mga solo parent na babae na nireregla pa at nalulungkot, minsan sa isang taon, pwedeng sumiping ho sa akin.

Dagdag ng kandidato: “Yun hong interesado, magpalista na po rito sa table sa gilid.”

Nitong Biyernes (Abril 4), humingi ng paumanhin si Sia sa mga nainsulto sa kanyang patawa.

Isang abogado, inamin ni Sia ang pagkakamali at nagpaliwanag na sinabi lamang niya malaswang patawa upang kunin ang atensyon ng mga dumalo sa kanilang rally.

Pinagpaliwanag ng Task Force Safe ng Commission on Elections si Sia.

“In view of the foregoing, you are hereby ordered to show cause in writing within a non-extendible period of three days from the receipt thereof and to explain why a complaint for election offense and/or petiiton for disqualification should not be filed against you,” ayon sa direktiba nito kay Sia.

Ayon sa anti-discrimination panel posibleng lumabag si Sia sa Comelec Resolution No. 11116.

Tinanggihan ng samahang Gabriela ang umano’y “sexist remarks” ng kandidato.

“What kind of apology is this where he portrays himself as the victim. This is a classic case of non-apology that further insults women’s intelligence! Saan ka nakakita ng nagso-sorry pero mukhang siya pa ang lumalabas na biktima?” ayon sa pahayag ni Clarice Palce, secretary-general ng Gabriela.

Ayon naman kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas: “Atty. Sia’s lewd misogynist remark trivializes the woes of our solo parents, subjugating them to mere sexual pleasure while sending distasteful tones of machismo. Candidates spewing misogynist remarks and normalizing the objectification of women should never have a platform to amplify their distorted values.

Comments

Partagez vos idéesSoyez le premier à rédiger un commentaire.
bottom of page