

HEADLINES
Pag-ere ng campaign video ni Quiboloy pinayagan ng korte
%20(1).jpeg)
3/2/25, 1:00 PM
Ni Tracy Cabrera
NAGPAYONG, Lungsod ng Pasig — Simula pa noong Sabado, Marso 1, pinayagan na ng korte na i-ere ang mga campaign video ng nakadetineng founder ng kongregasyon ng Kingdom of Jesus Christ (KoJC) na si pastor Apollo Quiboloy na tumtakbong senador sa nalalapit ng elrksyon sa Mayo 12 ng tong kasalukuyan.
Pumabor ang Pasig City Regional Trial Court (RTC) sa petisyon ni Quiboloy na payagan ang pag-ere ng kanyang mga sa mga pangangampanya ng kanyang partidong Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na nasa pangunguna ni dating pangulong Rodrigo 'Rody' Duterte.
Ang desisyon pumabor sa kahilingan ng pastor ay nilagdaan ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Pasig RTC Branch 159 at nakasaad dito na maaaring ipalabas ang mga pre-recorded video ni Quiboloy sa mga campaign rally simula pa nitong Marso 1.
Ang kilalang pastor, na nakadetine sa ngayon sa piitan sanhi ng kasong human trafficking, ay guest senatorial candidate ng partido ng PDP-Laban at pinapayagan lang na kanyang mga video ay ang mga sumusunod: ang 35-minutong talumpati ng Quiboloy sa kanyang proclamation rally noong Pebrero 11, ang 32-minutong talastasan nila ng kanyang abogadong si Atty. Israelito Torreon at ang 14-na-minutong pagtalakay ng pastor sa kanyang sarili.
Batay sa desisyon ni Judge Estacio-Montesa, maaaring ipalabas ang mga nasabing video sa campaign rally ng PDP-Laban sa Iloilo City at sa lahat ng susunod pang mga campaign sorty na may pahintulot mula sa korte.