top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Padilla pinalagan ang Kamara dahil sa suspensyon ng SMNI ni Quiboloy?

3/11/24, 9:20 AM

Sa patuloy niyang pagtatanggol sa wanted na si Apollo Quiboloy, kinalaban naman ngayon ni Senator Robin Padilla ang Kamara nang maghain siya ng resolusyon na imbestigahan ang “inderfinite suspension” ng Sonshine Media Network International (SMNI) na nagsimula noong Disyembre, 2023.

Sa Senate Resolution 960, iminungkahi ni Padilla na hawakan ng Senate Committee on Public Information and Mass Media. Ang aktor na naging mambabatas ang tagapangulo ng nasabing komite.

"The imposition of baseless suspension orders on SMNI not only constitutes a denial of due process but also an erosion of press freedom," diin ni Padilla sa resolusyon.

Sa isang pahayag mula sa kanyang opisina, sinabi ni Padilla na hindi napatunayan ng National Telecommunications Commission sa show-cause at suspension orders nito sa SMNI, kung bakit kailangang suspindihin ang operasyon ng SMNI, o maipaliwanag man lang kung bakit kailangan ang suspensyon para maiwasan ang "serious and irreparable damage or inconvenience to the public or to private interests.”

Ngunit matatandaang inaprubahan ng Mababang Kapulungan noong Disyembre ang ulat ng Committee on Legislative Franchise na humiling sa NTC na suspindihin ang operasyon ng SMNI.

Nagpalabas din ang Kamara ng subpoena kay Quiboloy na umanoy nagmamay-ari ng SMNI upang maipaliwanag niya sa mga kongresista kung ano ang relasyon niya sa media network na ito.

Sinabi ng mga lider ng Kamara na ipahuhuli nito si Quiboloy kung patuloy na iisnabin ang mga patawag ng lehislatura.

Sa House Resolution No. 1499 na isinulat ni PBA Rep. Margarita Nograles, itinulak ang pagsuspendi ng SMNI dahil sa umanoy paglabag sa sarili nitong prangkisa sa ilalim ng Republic Act No. 11422.

Ayon kay Nograles napatunayang ginagamit ng SMNI ang prankisang ipinagkaloob ng Kongreso upang magpakalat ng mga maling impormasyon, kasama na rito ang pag-akusa kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa paggastos ng travel expenses na umabot sa P1.8 billion.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page