top of page


HEADLINES
P23 milyong jackpot sa Mega Lotto 6/45 solong napanalunan
.jpg)
3/21/24, 6:15 AM
Ni MJ blancaflor
Isang swerteng mananaya ang nakapag-uwi ng P23.12 milyong jackpot prize matapos tamaan ang winning combination ng Mega Lotto 6/45 nitong Miyerkules, Marso 20.
Solong napanalunan ng bettor ang kombinasyon na 08-07-16-17-11-37 na nai-draw kagabi.
Tumataginting na P23,122,833.80 ang jackpot prize ng winner.
Hindi pa nabanggit ng Philippine Charity Sweepstakes Office kung taga-saan ang nanalo.
Samantala, bigo namang mapanalunan ang jackpot sa Grand Lotto 6/55 na nagkakahalaga ng higit P150.82 milyon.
Tiba-tiba sana ang nakakuha ng winning combination na 33-51-42-20-47-46.
Comments
Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page