top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

New Year death: 19-anyos patay dahil sa ligaw na bala

1/4/25, 7:49 AM

Isang 19-anyos na lalaki mula sa Davao del Norte ang nasawi dahil sa ligaw na bala sa pagsalubong ng Bagong Taon, ayon sa Department of Health (DOH).

Tinamaan ng stray bullet ang biktima habang nagsasaya sa labas ng kanilang tahanan.

Ito ang unang kumpirmadong kaso ng tama ng stray bullet sa nakalipas na New Year celebration, dahilan para umakyat sa bilang na tatlo ang mga nasawi dulot ng pagdiriwang, dagdag pa ng DOH.

Nauna nang iniulat ng kagawaran na may dalawang batang namatay dahil sa pagkakalunok ng luces.

Ang isang bata ay edad tatlo, habang 2-taong gulang naman ang isa pang biktima.

Ayon sa DOH, umabot na sa 771 ang bilang ng kaso ng firecracker-related injuries na mas mataas ng 27.6% kumpara sa nakaraang taon kung kailan naitala ang 604 na kaso.

Mga kabataan at menor de edad pa rin ang pangunahing biktima ng mga paputok, saad pa ng DOH.

Karamihan o 453 sa 771 na biktima ay nasa edad 19 o pababa.

Kwitis, 5-star, at ipinagbabawal na boga pa rin ang pangunahing sanhi ng firecracker-related injuries, ayon pa sa DOH.

Muling nagpaalala ang kagawaran sa publiko na delikado ang paggamit ng paputok, legal man o hindi.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page