top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Nadia Montenegro kinumpirmang may anak sila ni Baron Giesler

7/22/24, 4:04 AM

Photo from www.philstar.com

Kinumpirma ng beteranang actress na si Nadia Montenegro na si Baron Geisler ang ama ng kaniyang 17-anyos na anak na si Sophia.

Inilahad ni Nadia iyan sa kanyang panayam sa "Fast Talk With Boy Abunda" sa episode nitong Biyernes, Hulyo 20.

Paliwanag ng aktres, nais niyang matuldukan na ang mga usapin kung saan sa loob ng 17 taon ay ipinakalat na ng actor na may anak sila.

Nabu-bully na rin daw kasi si Sophia dahil sa isyu.

"School, friends, she was bullied. Someone all of a sudden just posted on the student council page a picture of Baron in jail. 'Kaninong tatay ito?'" kwento niya.

Patuloy pa niya, "Tito Boy kailangan ko pa bang ikuwento kung ano ang pinagdaanan namin just to keep our peace? This is my life. This is my children's lives. This is my story Tito Boy, no one has the right to tell my story."

"My mistakes? I've always owed my mistakes, Tito Boy, but let me say kung ano ang pagkakamali ko. Hindi ikaw, hindi ko kailangan ng spokesperson," dagdag niya.

Ang anak niyang si si Sophia ay magdiriwang ng kaniyang ika-18 taon kaarawan sa buwan ng Agosto kaya nais na raw ni Nadia na matigil ang isyu.

Kinikilala naman raw ni Baron ang kanilang anak, pero nauudlot raw ang kanilang pagkikita ng mag-ama dahil nagpapadala raw ito ng drunk messages kay Sophia. #

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page