top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Muslim senior citizen na biktima ng mistaken identity pinalaya na

2/8/24, 6:00 AM

Pinalaya na ng pulisya ang isang Muslim senior citizen matapos ang 176 araw na pagkakakulong bagamat ang paghuli ay hindi tama dahil siya umano ay biktima ng “mistaken identity.”

Masayang ibinalita ni Senador Robinhood “Robin” C. Padilla noong Martes (Pebrero 7) na malaya na si Mohammad Maca-Antal Said mula sa pagkakakulong sa Taguig City jail matapos na katigan ng korte ang depensang kapangalan lamang nito ang taong nahaharap sa anim na warrant of arrest.

Inaresto ng mga pulis si Said noong Agosto 10 habang palipad na sa Ninoy Aquino International Airport patungo sa Malaysia.

Ang kaso ni Said ay naging laman ng privilege speech ni Padilla noong Setyempre. Sa talumpati tinawag ng senador ang atensyon ng pamahalaan sa umanoy maling pagkakakahuli at pagkulong kay Said.Ayon sa kanya ang siyam na warrant of arrest ay nakapangalan sa isang Mohammad Said alias Ama Maas, na nahaharap sa maraming heinous crime cases.

Nguni't ipinunto ni Padilla na may isa pang biktima ng mistaken identity ay naghihintay ng kalayaan. Nanawagan muli siya sa koordinasyon at information-sharing sa ahensya ng gobyerno para wala nang makararanas sa hirap na dinaanan ni Said.

"Matapos po ang mahabang paghihintay at pagtitiis, si Tatay Said po ay nakalaya na. Ginoong Pangulo, dahil po sa ipinakitang pagmamahal ng Senado at ipinaglaban ng Senado na makalaya si Tatay, ngayon po mahal na G Pangulo, nandito si Tatay nakalabas na po siya. Maraming maraming salamat po," sinabi ni Padilla.

"Ito ay tagumpay sapagkat dito pinakita ang boses ng Senado. Pag nag-ingay at pinaglaban ng Senado talagang merong demokrasyang mararamdaman ang ating kababayan," dagdag ng senador.

Comments

Condividi i tuoi pensieriScrivi il primo commento.
bottom of page