top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Multiple murder cases isinampa sa Canadian na pumatay ng 11 sa Lapu-Lapu Festival

VANCOUVER, Canada - Kinasuhan ng multiple murder ang lalaking nagmaneho ng SUV na umanoy sadyang umararo sa mga nagdiriwang ng Lapu-Lapu Festival dito at pumatay ng 11 katao na may edad na 5 hanggang 65 anyos.

Samantala, nag-utos si Canadian Prime Minister Mark Carney ng imbestigasyon sa madugong insidente. Nagpahatid din si Carney ng pakikiramay sa Filipino community sa Canada.

Agad naaresto si Kai-Ji Adam Lo, 30, bago pa man siya makatakas matapos na sadyang sagasaan nito ang mga tao sa Filipino heritage festival noong gabi ng Sabado (Abril 26) .

Lulan ng isang itim na Audi SUV, walang habas na inararo ng sasakyang minamaneho ni Lo ang mga tao, karamihan mga Filipino, na dumalo sa Lapu Lapu Day Festival bandang alas-8 ng Sabado ng gabi sa South Vancouver.

Pito sa mga sinagasaan ang dineklarang patay na matapos masagasaan at apat naman ang namatay habang ginagamot sa iba’t-ibang ospital.

Lagpas sa isang dosena naman ang nagtamo ng sugat, ang iba kritikal, at naitakbo na sa pagamutan

Ayon sa mga imbestigador, hindi motibo ang terorismo sa insidente. Si Lo ay mayroong kasaysayan ng sakit sa pag-iisip.

Si Lo ay isang residente ng Vancouver at may lahi umanong Intsik.

“It is the darkest day in Vancouver history,” sinabi ni police chief Steve Rai ng Vancouver.

Paliwanag ni Rai: “The person (Lo) we ahve in custody does have a significant history of interactions with police and health care professionals related to mental health.”

Ang Lapu-Lapu festival ay isinasagawa ng mga Canadian-Filipinos upang ipagdiwang ang pagkakaisa ng lahing Filipino at sariwain ang kabayanihan ni Lapu-Lapu nang kanyang pangunahan ang pagtaboy sa isla ng LImasawa ng mga Kastila noong 1521

Namatay ang Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan na kinilala sa kasaysayan bilang siyang naka-diskubre ng Pilipinas.

Noong 2023, opisyal na inilaan ng pamahalaan ng probinsya ng British Columbia, kung saan na roon ang Vancouver, ang Abril 27 bilang Lapu Lapu Day bilang pagkilala sa naging kontribusyon ng mga Filipino-Canadian community sa kultura ng bansa.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page