top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Milyong seniors niloko, pinaglaruan ng viral na video ukol sa P500 buwanang Universal Pension

8/20/24, 12:46 PM

Fake news at panloloko lamang sa mga senior citizens ang trending na social media posts ng video ni Marikina City Rep. Stella Quimbo na umano’y nagsabing tatanggap na ng P500 buwanang social pension ang 14 na milyong nakatatandang Filipino.

Maraming mga nag-share sa Facebook at mga bloggers na naghahangad kumita sa pamamagitan ng paglansi ang nagsama-samang lokohin ang milyon-milyong mga seniors na agad namang umasa na makatatanggap na sila ng buwanang ayuda mula sa pamahalaan.

Higit na marami sa mga nagpakalat ay ang mga nauto at napaniwalang kikita na sila ng P500 kada buwan bilang social pensyon mula sa gobyerno.

Ang katotohanan dito ay pinutol lamang ng mga mapagsamantala ang parte ng sponsorship speech ni Quimbo ng House Bill 10423 na nagpapanukala ng Universal Pension Program para sa lahat ng senior citizens na Filipino. Ang talumpati ay inihayag ni Quimbo noong Mayo 15.

Ang sponsorship speech ay naghuhudyat ng pagsisimula ng debateng plenaryo para sa nasabing bill upang maipasa o tanggihan ito para sa second at third reading ng Mababang Kapulungan. Ito ay ipinahahayag ng mga author upang kumbinsihin ang mga kasamahan na ipasa ang kanilang panukalang batas.

Bagamat naipasa ng mga kongresista ang House Bill 10423 sa ikatlo at pinal na pagbasa, ito ay hindi pa maituturing na batas at maipapatupad.

Sa kasalukuyan, hindi pa ito pinag-uusapan sa Senado at lalong hindi pa napipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maging ganap na batas.

Sa video na ipinakakalat sa social media ng mga manloloko at naloko, maririnig si Quimbo na nagsasabing “lahat ng senior citizens” ay magkakaroon na ng pensyon sapagkat magiging “matik na ang pagiging kasapi sa social pension basta may edad 60, may SSS pension man of wala, may GSIS pension man o wala, kasama na po.”

Ayon pa sa kongresista ng Marikina: “indigent man o hindi, may existing pensyon o wala, lahat ng senior citizens - merong nang pensyon.”

Lingid sa marami, nagpapaliwanag lamang si Quimbo ng kahulugan ng mga probisyon ng HB 10423.

Ang HB 10423 ay ipinasa sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara noong Mayo 21 o anim na araw matapos magbigay si Quimbo ng sponsorship speech nito.

Isa lamang si Quimbo sa maraming kongresistang nag-akda ng HB 10423.

Ang naghain ng panukalang Universal Pension Program ay sina Reps. Christopher De Venecia ( Pangasinan); Elizalde Co (Ako Bicol Partylist); Irwin Tieng (Manila); Marie Bernadette Escudero (Sorsogon); Gerville Luistro (Batangas); Luis “LRay” Villafuerte (Camarines Sur); Miguel Luis Villafuerte (Camarines Sur); Mila Aquino Magsaysay (United Seniors) at Raul Angelo Bongalon (Ako Bicol).

Photo from rappler.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page