top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Mga seniors tutol na tanggalan ng ngipin ang NCSC sa pagpapatupad ng discount privileges

2/2/24, 9:30 AM

Mahigpit na tututulan ng ilang samahan ng mga senior citizens ang mungkahing tanggalin sa National Commission of Senior Citizens ang pagseguro ng pagpapatupad ng mga batas para sa ikabubuti ng mga nakatatandang Pilipino.

Nangangamba ang ilang pangulo ng mga asosasyon na kabilang sa Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines (FSCAP) na ang ang mungkahi ay magre-resulta lamang sa mas maraming paglabag sa mga nasabing batas, higit sa lahat ang pagbibigay 20% ng senior citizens discounts para sa kanila.

Napag-alaman sa nakaraang pagdinig sa Kongreso ang balak ng isang mambabatas na maghain ng panukalang naglalayong kitilin na ang responsibilidad ng NCSC na magpatupad ng mga umiiral na batas para sa interes ng mga seniors.

Sa nasabing pagdinig ng Committee on Ways and Means na pinangunahan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, sinabi ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes na dapat lamang paratingin sa Office of Senior Citizens Affairs at hindi sa NCSC ang mga reklamo laban sa mga lumalabag sa senior citizens discounts at iba pang mga batas na nauukol sa kabutihan at interes ng mga nakatatanda.

“Chairman Quijano is correct, grievances should be addressed to OSCA and not by the commission,” ayon kay Ordanes.

Ngunit hindi naman ito ang nais sabihin ni NCSC Chairperson Franklin Quijano sa mga mambabatas.

Ayon sa kanya maaaring mangailangan ng batas upang higit pang mapaigting ang redress mechanism para sa mga reklamo ng mga senior citizens.

Sa Republic Act 11350 na nagtatag sa NCSC, inaatasan ang ahensya na magsagawa ng imbestigasyon, case buildup at kung maaari ay magsampa ng mga reklamong administratibo, sibil o krilimal sa mga lalabag sa senior citizens laws.

Sa pagdalo niya sa planning session ng FSCAP-QC kamakailan lamang, inamin ni Quijano na totoong may nagbabalak na gawin na lamang na isang policy making agency ang kanyang ahensya.

Hindi niya tinukoy kung sino ito.

Paliwanag ni Quijano na isang abogado na higit na makatutulong ang NCSC kung ito ay bibigyan ng pagkakataong siguruhin ang tamang pagpapatupad ng mga batas at benepisyo sa mga seniors.

Dahil sa sinabi ng hepe ng NCSC, nangako ang mga pangulo ng iba’t -ibang samahang pang-seniors na tututulan nila ang anumang panukalang magpapalabnaw sa mahigpit na pagpapatupad ng batas para sa kanilang kapakanan.

Comments

Comparte lo que piensasSé el primero en escribir un comentario.
bottom of page