top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Mga Pinoy pera ang nais matanggap sa Valentine's Day

2/12/24, 11:55 AM

Ni MJ Blancaflor

Kung plano mong bumili ng bulaklak o regalo para sa iyong mga minamahal sa Araw ng mga Puso, mukhang kailangan mong mag-isip-isip ulit.

Sa survey ng Social Weather Station (SWS) na isinagawa mula Disyembre 8 hanggang 11, mas maraming respondents ang nagsabing nais nilang makatanggap ng pera sa okasyon.

Labing-anim na porsyento sa 1,200 respondents sa buong bansa ang gusto ng cash, samantalang 11% lang ang nagsabing nais nila ang pagmamahal at 10% naman ang pumili sa mga bulaklak.

Kabilang sa iba pang mga pagpipilian ay bagong damit (9%), pati na rin cellphone, relo, alahas, at isang maayos na ugnayan sa pamilya, na may 5% lang.

Napasama rin sa listahan ang pagkain at grocery (3%), tsokolate (3%), mabuting kalusugan ng pamilya (3%), motorsiklo at iba pang sasakyan (2%), at appliances (2%).

Nasa 1% lang ang nagsabing gusto nila ng pagbati, halik, anak, at date o dinner bilang regalo sa Valentine's Day.

Ayon pa sa survey, mas maraming mga babae ang nagnanais na makatanggap ng pera (19%) kumpara sa mga lalaki (12%).

Ang mga bulaklak ay naging pangalawang pinakapaboritong regalo para sa Valentine's sa mga babae, na may 13%.

Sa kabilang banda, bagong damit ang nangunang regalo para sa mga lalaki na may 14%, sinundan ng anumang regalo mula sa puso (7%).

Comments

Fikirlerinizi Paylaşınİlk yorumu siz yazın.
bottom of page