top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Mga Pilipino ika-53 sa mga pinakamasasayang tao sa buong mundo

3/21/24, 1:00 AM

Tumalon sa ika-53 ang pwesto ng bansa sa pinakabagong World Happiness Report matapos maiulat na mas maligaya ngayon ang mga Pilipino kumpara noong nakaraang taon.

Sinusukat ng nasabing report ang antas ng kasiyahan ng mga mamamayan mula sa 137 na bansa sa buong mundo.

Nagtala ng 6.048 na average life evaluation score ang Pilipinas ngayong taon, mas mataas kumpara sa 5.523 score noong 2023 kung saan nasa ika-76 na pwesto lang ang bansa.

Samantala, ang mga mamamayan pa rin Finland ang nanguna sa listahan ng mga pinakamasasayang tao sa buong mundo.

Hawak na nito ang record mula pa noong 2017.

Nasa ikatlong pwesto naman ang Denmark, na sinundan ng Iceland at Sweden.

Nasa ikalimang pwesto naman ang Israel sa kabila ng nagpapatuloy na giyera nito laban sa militanteng grupong Hamas.

Sinundan ito ng The Netherlands, Luxembourg, Switzerland, at Australia.

Batay sa nasabing ranking, Singapore (Rank 30) ang pinakamasayang bansa sa East at Southeast Asia.

Agad naman iyang sinundan ng Taiwan (Rank 31), Japan (Rank 51), South Korea (Rank 50), at Pilipinas.

Panghuli naman sa listahan ang Afghanistan, Lebanon, Lesotho, Sierra Leone, at Congo.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page