

HEADLINES
Mga kandidato binalaan laban sa electioneering mula Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria
%20(27).jpeg)
4/16/25, 5:38 AM
Ni Tracy Cabrera
KAMPO CRAME, Lungsod Quezon — Nagpaalala si Philippine National Police (PNP) chief Lieutenant General Rommel Francisco Marbil sa mga kandidato sa posibleng electioneering simula ngayong Miyerkoles Santo hanggang Sabado de Gloria sa pamamagitan ng pangangampanya gamit ang nasabing okasyon, lalo na’t marami ang mag-uuwian sa kani-kanilang probinsya.
Binigyang-diin ni Gen. Marbil ang posibleng pagtaas ng mga political activity ngayong hauling limang araw ng Semana Santa at isasabay ang kanilang pag-akit sa publiko na iboto sila sa pagbabalatkayong deboto sila sa pananampalataya.
Sa isinagawang command conference sa Kampo Crame, inatasan niya ang mga pulis na paigtingin ang pagbabantay sa mga lugar na may aktibidad na may kaugnayan sa halalan alinsunod na rin sa nauna nang paalala ng Commission on Elections (Comelec) na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa Huwebes Santo, April 17 at Biyernes Santo, April 18.
Samantala, kaugnay rin ng kautusan oaghigpit ng pagbabantay sa posibleng mga paglabag kaugnay ng electioneering, ipinag-utos din ni Marbil ang patuloy na paggamit ng mga body-worn camera o alternative recording device sa mga police checkpoint at chokepoint para sa transparency at seguridad ng kanilang operasyon.
"Manatili tayong apolitical," paalala din ng Chief PNP sa kanyang mga tauhan kasunod ng mga ulat na may ilang pulis na umano’y nasasangkot sa mga partisan activity.