top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Mga alagang hayop dapat bigyan ng atensyon sa gitna ng init—PAWS

4/23/24, 9:39 AM

Nagpaalala ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) sa fur parents nitong Lunes, Abril 22, na protektahan ang paa ng kanilang mga alagang hayop sa gitna ng mainit na panahon.

Ibinahagi ng animal rights group sa social media ang larawan ng asong si Benjie na may sugatang talampakan dahil sa init.

"Benjie was found desperately seeking shade, taking refuge under a small roof by the house of his rescuer," kwento ng PAWS.

"He was incredibly weak, dehydrated, and had severely scalded paw pads. He limped and whimpered as every small step brought him agony, unable to even stand properly as sharp pain shot from his flesh-exposed paws," dagdag nito.

Mabuti na lamang at may sumagip kay Benjie.

Nabigyan siya agad ng medikal na atensyon sa tulong ng PAWS at ngayon ay nagpapagaling na.

Inilarawan ng PAWS si Benjie bilang "courageous survivor," na ayon sa kanila ay malungkot na reyalidad ng mga alagang hayop na inabandona sa lansangan.

Paalala ng PAWS: "As this intense heatwave persists, let’s keep our pets and other animals safe."

"Shield them from hot surfaces like concrete roads and pavement to prevent burns and blisters. Keep pets indoors and opt for walks in grassy areas during early mornings or nearing sunset for a cooler and safer adventure," dagdag pa nito.

Nauna nang nagbabala ang PAGASA na maaaring umabot sa 52 degrees Celsius ang heat index sa ilang lugar sa bansa sa susunod na linggo.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page