top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Mga abandonadong bahay sa Japan umabot sa 9 milyon

5/8/24, 5:18 AM

Habang maraming tao sa mundo ang walang tahanan, kabaligtaran naman ang problema ng Japan na mayroon siyam milyong bahay na bakante.

Maraming dahilan ang umaapaw na dami ng abandonadong bahay sa Japan ngunit nag paghina ng populasyon ang tinitingnang pangunahin.

Bago ito, napag-alaman ng media na nag-report din na bumagsak sa pinakamababa noong 2022 and dami ng ipinanganak sa bansa - bagay na lalong nagbibigay pangamba sa mga lider ng bansang may pinakamatandang populasyon sa mundo.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Ministry of Health ng bansa, umabog lamang sa 799,728 ang ipinanganak noong 2022. Record low ang numero na halos kalahati lamang ang dami kumpara sa 1.5 milyong panganganak noon 1982.

Patuloy na dumarami ang mga abandonadong bahay ng mga Hapon, ayon sa awtoridad. Karamihan sa mga ito ay makikita sa kanayunan.

Ayon sa mga eksperto, maaring pagbaba ng populasyon o ang paggawa ng napakaraming bahay noon ang sanhi ng pagtaas ng numero ng mga bakanteng tahanan.

Sa ulat ng isang international wire service, ipinaalam ng Ministry of Internal Affairs and Communications na 14 % ng mga bahay sa Japan ang walang nakatira.

May mga bahay na hindi nalalaman ng mga lokal na pamahalaan kung sino ang may-ari at meron din mga namana lamang at hindi na malaman ng mga nagmana kung kanino isasalin ang mga ito;

Dagdag din sa problema ng pamahalaan ang mahirap na pagbebenta ng mga bahay sapagkat halos lahat ng pamilyang Hapon ay may sari-sarili nang mga tahanan.

Napag-alaman na patuloy na bumababa ang populasyon ng Japan.

Noong 2022, kung kelan naitala ang pinakamababang dami ng pagsilang ng mga sanggol, nabawasan umano ng 800,000 ang dami ng mga Hapon kumpara noong 2021.

Sa nasabing taon umabot lamang sa 125.4 milyon ang populasyon ng Japan. Halos 10 milyon na lamang ang agwat nito sa dami ng Pilipino na 115.6 milyon.

Comments

مشاركة أفكارككن أول من يعلِّق.
bottom of page