top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Mayor Alice Guo, nagbabalak bang tumakas pa-Tsina?

6/28/24, 8:28 AM

Nagbabalak bang tumakas pa-Tsina si Bamban Mayor Alice Guo upang matakasan ang patong-patong na mga kaso ukol sa kanyang tunay na pagkatao at koneksyon sa ilegal na operasyon ukol sa POGO?

Namuo ang katanungang ito matapos na mabuko ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Bamban (Tarlac) Mayor Guo at ang Tsinong si Guo Hua Ping ay iisang tao, ayon sa kambal na fingerprints ng dalawa.

Magiging madali umano sa alkalde ang takasan ang mga kasong inihaharap sa kanya dahil sa taglay na kakaibang yaman nito.

Inamin niya sa Senado na may-ari siya ng isang chopper bagamat ito umano ay kanya nang ibinenta sa isang kumpanyang Briton.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros dahil sa mga palsipikado niyang mga citizenship documents at iba pang opisyal na papel sa mga negosyo niya, si Mayor Guo ay nahaharap sa maraming kaso na may parusang pagkakakulong at deportasyon.

Sinabi naman ni Sen.Sherwin Gatchalian na malinaw na ngayon na sina Mayor Guo at Guo Hua Ping ay iisang tao lamang.

“Ngayon masasabi na talaga natin na one hundred and one percent na si Guo Hua Ping ay si Alice Guo,” pahayag ni Gatchalian.

Si Guo Hua Ping ay dumating sa PIlipinas noong 2004 bilang estudyante.

Sa kanyang mga pahayag sa Senado ukol sa pagkatao niya, hindi makumbinsi ng alkalde ang mga senador na isa siyang tunay na PIlipino.

Bukod sa kakapusan sa mga legal na dokumento, hirap din mapaniwalaan ang mga kuwento ni Mayor Guo tungkol sa kapanganakan at paglaki niya sa Pilipinas.

Dahil dito, lumutang ang mga hinala ukol sa totoong pakay niya sa pagtira sa PIlipinas at motibo sa likod ng kanyang pagtakbo bilang lokal na opisyal.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page