top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Matinding sipa sa presyo ng mga produktong petrolyo inaasahan

1/17/25, 11:13 AM

Ni Samantha Faith Flores

Magiging matindi ang pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo, ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau.

Big time price hike ang mararamdaman ng mga motorista dahil lalargasa PHP1.35 hanggang PHP1.60 ang ba2.30 hanggang PHP2.50 para sa kerosena.

Idinahilan sa ikatlo at pinakamalaking pagtaas ng halaga ng petroleum products sa buwan ng Enero, 2025 ang malalaking balita na naging impluwensya sa pagkilos ng presyo.

Ayon kay Asst. Director Rodela Romero ng DOE-OIMB, ang pinakamalaking dahilan ay ang balitang nagdagdag ng sanctions ang Estados Unidos at Great Britain laban sa langis na galing sa Russia.

Ipinaliwanag ni Romero na ito ay nagtulag naman sa Russia upang magbawas ng kanilang exports.

Dahil dito sumipa pataas ang global crude prices dahil ang merkado ay nag-adjust sa malaking bawas ng supply mula sa mga malalaking produksyon ng langis sa daigdig.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page