top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Matapos ang limang linggo, bababa naman ang presyo ng langis

2/10/24, 10:45 AM

Matapos ang limang sunod-sunod na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo, makakahinga naman ng maluwag ang mga motorista sa darating na linggo.

Ito ay dahil sa magbababa ng hanggang PHP1.20 ang presyo ng bawat litro ang piling produktong langis.

Ayon sa Department of Energy, tinatayang aabot sa PHP1.00 hanggang PHP1.20 ang rollback ng bawat litro ng gasolina.

Sinabi ng kagawaran na ang krudo naman ay maaaring magbawas ng PHP0.40 hanggang PHP0.60 sa bawat litro habang ang gaas o kerosene ay lulubog mula PHP0.45 hanggang PHP0.65 bawat litro.

Ayon sa DOE ito ay b ase sa apat na araw na trading sa Mean of Platts Singapore, ang pamantayan ng presyohan na ginagamit ng mga importer ng langis.

Ipinaliwanag ni Director Rodela Romero ng Oil INdustry Management Bureau, ang pagbaba ng mga presyo ay maari pang magbago sangayon sa kilos ng kalakalan.

Ipinahayag ni Romero na ang ilang dahilan sa pag-rollback ay ang pagdami ng imbentaryo ng krudo mula s US at ang dagdag na produksyon nito. Ang pagbaba ng pangangailangang pandaigdigan ay isa rin sa dahilan ng bawas presyo.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page