top of page


HEADLINES
Maswerteng Lotto winner, nag-uwi ng P175M

3/2/24, 6:50 AM
Ni MJ Blancaflor
Instant milyonaryo ang isang mananaya ng 6/58 Ultra Lotto matapos niyang mahulaan ang winning combination na may jackpot prize na P175.1 milyon.
Hindi pa isinapubliko ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kung taga-saan ang Lotto bettor na nakatyamba sa kombinasyon na 04-07-57-05-54-47 noong Biyernes ng gabi, Marso 1.
Kakaltasan ng 20 porsyentong buwis ang premyo alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.
Huling may tumama sa Ultra Lotto 6/58 noong Disyembre 29 noong nakaraang taon kung saan naka-jackpot ng P571 milyon ang isang mananaya.
Samantala, walang naka-jackpot sa ibang lotto draw noong Biyernes.
Comments
Comparte lo que piensasSé el primero en escribir un comentario.
bottom of page