top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Marcos, VP Sara bati pa rin sa kabila ng mga banat ni ex-Pres. Duterte sa Palasyo

2/13/24, 8:35 AM

Ni MJ Blancaflor

Maayos pa rin ang relasyon nina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte sa kabila ng mga banat ng kanyang ama at kapatid sa Punong Ehekutibo.

"We have no problem with each other. President Bongbong Marcos and I are doing good. We are okay in terms of our relationship," sabi ni VP Sara sa isang panayam sa Kuala Lumpur.

Pero nang tanungin ang Bise Presidente kung kumusta sila ni First Lady Liza Araneta Marcos, ito ang sagot niya: "I have no comment as of this time."

Matatandaang nag-viral sa social media kamakailan ang video kung saan tila nagdedmahan sina First Lady at VP Sara bago ang state visit ng Pangulo sa Vietnam.

Sabi naman ni VP Sara, hindi niya pa raw nakakausap ang kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, at kapatid, Davao City Mayor Baste Duterte, matapos ang mga maaanghang nilang salita laban kay Pangulong Marcos.

Inakusahan ng dating Pangulo si Marcos na "bangag" at "adik" sa droga, habang nanawagan naman si Mayor Baste na magbitiw sa pwesto si Marcos dahil umano sa pagiging "tamad" nito.

Kasunod niyan, naglabas ng YouTube video si Marcos at sinabing hindi pwede ang paninira at pamumulitika sa "Bagong Pilipinas," ang slogan at bisyon ng kanyang administrasyon.

"Unahin natin ang ating bayan. Magbago na tayo dahil walang Bagong Pilipinas kung walang bagong Pilipino," saad niya.

Comments

Deine Meinung teilenJetzt den ersten Kommentar verfassen.
bottom of page