top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Mahigpit na regulasyon para sa poll surveys pinag-aaralan ng Comelec

1/29/25, 9:32 AM

Ni Samantha Faith Flores

Maghihigpit na ang ng Commission on Elections sa operasyon ng mga survey companies na kadalasan naglilipana tuwing darating ang panahon ng halalan.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia inuutos na niya ang masusing pag-aaral dito sapagkat nanganganib na naman gamitin ng mga kandidato ang mga resulta ng survey studies para sa maimpluwensyahan ang mga botante.

Pinag-aaralan ng Comelec ang mga desisyon ng Commission on Elections tungkol sa kilos ng mga survey companies tuwing panahon ng halalan.

Inaalam ng poll body kung hanggang saan nito mahihigpitan ang election surveys nang hindi lumalabag sa karapatan ng mga survey firms sa ilalim ng Saligang Batas.

Upang masiguro na tama ang mga regulasyon na ipatutupad ng Comelec, pinag-aaralan mabuti ng mga abogado ng poll body ang mga desisyon ng Korte Suprema na may kaugnayan sa legalidad ng survey.

“The members of the Commission are now reviewing thedecision fo the SC to see if it is still applicable cause to a certain extent it (surveys) has really influenced the people,” paliwanag ni Garcia.

Nangangamba rin ang Comelec chief sa pagdami ng bogus na political surveys na nagkalat sa social media.

Ang mga ito ay naglalayon laman na lituhin o lokohin ang publiko, paliwanag ni Garcia.

Gusto malaman ng Comelec kung sino ang nagpa-gawa ng survey, saan nanggaling ang mga respondent at paano narating ng mga survey companies ang kanilang konklusion ukol sa mga kandidato.

“So for us, we’re determining if the Comelec should insist on regulating surveys so voters won’t be influenced with their decision,” diin ni Garcia.

Photo from GMA News Online

Comments

Deel je gedachtenPlaats de eerste opmerking.
bottom of page