top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Kredibilidad ni NSC executive Malaya ikinumpara sa sabaw ng pusit

4/28/25, 12:14 PM

Ikinumpara sa sabaw ng pusit ang kredibllidad ni National Security Council Asst. Director Jonathan Malaya sa umanoy patuloy na nagbibintang ng pakikialam ng China sa darating na halalan.



Ayon kay House Senior Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro simula pa noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hindi pa rin tumitigil si Malaya sa pagpapairal ng “classic squid tactics” upang iligaw ang mga mamamayan sa maling gawain ng kanyang pinagsisilbihan.



“Usec. Malaya continues to evade the question of naming the so-called China-backed candidates while hurling baseless allegations against Makabayan,” sagot ni Castro ng hingin ng mga House media ang kanyang opinyon sa tinuringan ni Malaya tungkol sa isyu.



Inakusahan ni Malaya, dating undersecretary ng Department of Interior and Local Government, ang Makabayan bloc ng Mababang Kapulungan ng pakikipagkutsaba sa China nang punahin ang mga kongresista na kabilang sa grupo ang pamahalaan sa mga malakiing gastusin para sa modernisasyon ng sandatahang lakas ng PIlipinas.



“Spokesman na ba ang Makabayan ng People’s Republic of China? They arte speaking the same script we are hearing from Beijing,” ayon sa NSC official.



Hindi ikinatuwa ni Castro na isang lider ng Makabayan ang umanoy bintang ni Malaya.


“Those are classic squid tactics and misdirection which he probably learned from his time as a Duterte appointee, having served in the past administration while being complicit in many of the past regime’s misdeeds,” ayon sa kongresista.



Napansin na umiiwas magbigay ng detalye si Malaya tungkol sa umanoy pangingialam ng Beijing sa darating na May 12 elections.



May pagdududang ginagamit ng mga administration candidates ang isyu upang mabaligtad ang pagbulusok ng mga ratings nila, higit pa ng mga kasama sa senatorial slate na sinusuportahan ng pamahalaang Marcos.



Sa isang Senate hearing na pinanguluhan ni re-electionist Sen. Francis Tolentino noong nakaraang linggo, sinabi ni Malaya na may indikasyon na nagsasagawa ang China ng information operations na maaaring makapag-impluwensya sa resulta ng darating na mid-term elections.



Bagamat hindi nagbigay ng malinaw na detalye ng akusasyon si Malaya, agad naman kinondena ng pamahalaang Marcos ang umanoy interference ng China.

Sa isang press conference noong Huwebes (Abril 24), pinabulaanan ng China ang hinala ni Malaya.

“We have no interest in interfering in Philippine elections,” diin ni spokesperson Guo Jiakun ng Chinese foreign ministry.

“China follows the principle of non-interference in other countries’ domestic affairs,” dagdag niya.

Sinagot naman ni Malaya ang pahayag ng Beijing at sinabing dapat magpaliwanag ang bansa tungkol sa kontrata ng ChineseEmbassy sa Pilipinas at InfinitUS Marketing Solutions para sa media and public relations services.

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page