top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Korte Suprema: Pumangalawa sa halalang lokal hindi puwedeng pamalit sa nanguna ngunit na-DQ

6/23/25, 9:42 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Ang pumangalawa sa bilangan sa lokal na halalan ay hindi maaaring iproklamang panalo at pamalit sa na-diskwalipikang kandidato na nanguna sa eleksyon.

Ito ang sinabi ng Korte Suprema ng abandonahin nito ang unang doktrina na nagsasabing walang basehang legal ang nasabing sistema ng pagpapalit sa mga nagwaging kandidatong napawalang bisa ang pagka-panalo.

Sa desisyon ng Supreme Court (SC) sa kaso na may titulong Datu Pax Ali Mangudadatu v. Commission on Elections, ipinahayag ng mga mahistrado na dapat gamiting ang probisyon ng Local Government Code ukol sa pagtatalaga ng hahalili sa na-diskwalipikang kandidato na nanalo sa bilangan sa halalan.

“Court hereby abandons the second-place rule and declares that the rules on succession under the LGC shall apply in all cases where a permanent vacancy results from a local elec tive official’s disqualification from office regardless of the proceedings involved,” paliwanag ng pinakamataas na hukuman.

Ayon sa SC ang rules on succession sa ilalim ng Section 44 ng LGC ay sumasaklaw sa mga elective positions na permanenteng nabakante katulad ng governor, vice governor, mayor at vice mayor.

Sa section 45 namang ng LGC, sasaklaw ang probisyon sa mga permanent vacancies sa mga lokal na sanggunian o konseho.

“No law authorizes the proclamation of the second placer in the elections in case the candidate who received the most votes is disqualified or turned out to be ineligible,” paliwanag ng Korte Suprema en banc sa kasong nabanggit.

Ang desisyon na isinulat ni Associate Justice Samuel Gaerlan ay sinuportahan ng walong mahistrado noong Abril 22 at hindi naman inayunan ng lima sa kasapi ng korte. Dalawa ang hindi bumoto.

Inilabas sa publiko ng SC ang desisyon kamakailan lamang.

“The majority abandoned the second placer rule for lack of legal basis and for being inconsistent with the essence of republicanism,” ayon sa Korte Suprema.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page