top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Korean actor O Yeong-su, 79, convicted sa kasong sexual misconduct

3/18/24, 6:08 AM

Ni MJ Blancaflor

Nahatulan ng pagkakabilanggo sa kasong sexual misconduct ang Golden Globe winner na si O Yeong-su, kilala sa kanyang papel sa pamosong South Korean series na "Squid Game."

Pinatawan ng korte ng walong buwang kulong at dalawang taong suspension ang 79-anyos na aktor matapos mahatulan ng guilty sa pambabastos sa isang aktres noong 2017, ayon sa ulat ng Korean media.

Ayon sa biktima, niyakap siya, hinawakan sa kamay, at hinalikan sa pisngi ni Yeong-su kahit wala siyang pahintulot.

Ipinag-utos din ng korte kay Yeong-su na mag-undergo siya ng 40 oras na klase tungkol sa sexual violence.

Naghain ng mga paratang laban sa kanya ang biktima noong Nobyembre 2022 sa gitna ng tagumpay ng dystopian thriller ng Netflix na "Squid Game."

Sa parehong taon, iniuwi ni Yeong-su ang unang Best Supporting Award ng South Korea mula sa Golden Globes para sa kanyang pagganap bilang Oh Il-Nam sa nasabing palabas.

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page