top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Kontrobersiyal na SMNI muling dinagukan; 2 program sinuspinde

12/20/23, 12:00 AM

Halos isang linggo pa lamang nang palayain mula sa detensyon ang dalawa nitong komentarista, tumanggap na naman ang Sonshine Media Network International (SMNI) ng dagdag na dagok matapos suspindihin sa page-ere ang dalawang programa nito.

Nagpalabas ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na Preventive Suspension Order laban sa mga programang “Gikan sa Masa, para sa Masa” at Laban Kasama ang Bayan. Ang suspensyon na magtatagal ng 14 na araw ay nagsimula noong Disyembre 18.

Ang programang “Laban Kasama ang Bayan” ay kinatatampukan nina Jeffrey Celiz at Lorraine Badoy na parehong ipinakulong sa Batasan Pambansa complex matapos na mapagpasiyahan ng mga kongresista na sila ay nagkasala ng contempt laban sa Kamara noong nakaraang linggo.

Ikinatuwa ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers partylist Rep. France Castro ang sinapit ng SMNI at mga hosts nito, bagamat nagdamdam siya na hindi naparusahan ang broadcast station ng higit na maaga.

“The suspension is long overdue but at last now something has been done to curtail the constant red-tagging, spreading of disinformation (fake news) and threatening of individuals using these two shows, as well as the network” sinabi ni Castro sa isang pahayag.

Sa pahayag ng MTRCB, ibinunyag na inimbestigahan ang “Gikan sa Masa” matapos na makatanggap ang ahensya ng reklamo ng death threats mula sa isang panauhin ng programa na inere noong Oktubre 10 at Nobyembre 15.

Reklamong pagkakalatng fake news naman ang isinampa sa MTRCB laban sa “Laban Kasama ang Bayan’.

Inakusahan umano nina Badoy at Celiz si House Speaker Martin Romualdez ng paggastos ng P1.8 bilyon bilang travel funds.

“Matapos ang maingat na pagsusuri ng Board sa samu’t saring reklamo na natanggap nito, natuklasan ng Board na ang ilang aspeto ng nabanggit na mga programa ay maaaring lumabag sa itinakdang pamantayan na itinakda ng Presidential Decree No. 1986 at ng Implementing Rules and Regulations (IRR) nito,” paliwanag ng MTRCB na pinamumunuan ni Chairperson Lala Sotto-
Antonio, anak ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Dagdag ng MTRCB: “Upang mapigilan ang posibleng pag-ulit ng mga paglabag na maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kapakanan ng publiko, ethical considerations, at pag-protekta sa pangkalahatang reputasyon ng industriya ng broadcasting, nagdesisyon ang Board na pansamantalang suspendihin ang dalawang programa sa bisa ng Section 3, Chapter XIII of the IRR of P.D. No. 1986.”

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page