top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Kate Middleton umaming edited ang kontrobersyal na Mother's Day photo

3/12/24, 10:34 AM

Ni MJ Blancaflor

Humingi ng paumanhin si Kate Middleton sa publiko dahil sa ipinost na larawan niya at ng kanyang mga anak na edited naman pala.

Naging kontrobersyal ang Instagram post ng Princess of Wales nitong Linggo, Marso 10, matapos maglabas ng "kill notifications" ang Associated Press, AFP, at Reuters sa larawan ni Kate at ng kanyang mga anak na anila'y manipulated.

"Like many amateur photographers, I do occasionally experiment with editing," sabi ni Kate sa isang pahayag. "I wanted to express my apologies for any confusion the family photograph we shared caused."

Sa orihinal na post ni Kate, naka-credit ang larawan kay Prince William.

Pero napansin ng ilang social media users na may inconsistencies o hindi pagkakatugma ang detalye ng larawan.

Doon na nagkaroon ng spekulasyon ang edited ang litrato na inilabas lamang para ipakitang magaling na si Kate matapos ang abdominal surgery nito noong Enero.

Nailathala na ito ng ilang news wire agencies, pero tinanggal din nila matapos rebyuhin at makitang manipulated nga ang larawan.

"AP initially published the photo, which was issued by Kensington Palace. But AP later retracted the image because at closer inspection, it appeared the source had manipulated the image in a way that did not meet AP's photo standards," sabi ng news wire agency.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page