

HEADLINES
Kandidatura ni Quiboloy pinapakansela ng WPP
.jpg)
10/17/24, 11:00 AM
Naghain ng petsiyon ang senatorial aspirant na si Jose ‘Sonny’ Matula ng Workers and Peasants’ Party (WPP) para hilinging kanselahin ang kandidatura ng kontrobersyal na founding pastor ng Kingdom of Jesus Christ (KoJC) na si Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Matula, ito’y dahil sa hindi umano kailan man naging miyembro ng kanilang partido ang nakadetineng dating spiritual adviser ni ex-presdent Rodrigo Duterte upang maging nominee ng WPP.
Sa datos ng Commission on Elections (Comelec), napalagay ang kandidatura ni Quiboloy sa ilalim ng partido ni matula kaya agad na nagbigay ng kaukulang reaksyon ang tunay na nominado ng WPP laban sa pastor.
Ayon kay Matula, misrepresentation ang pagkakalagay ng pangalan ni Quiboloy bilang nominee ng kanilang partido na kung saan siya ang lehitimong nominado bilang aspirante sa pagka-senador sa nalalapit na halalan sa Mayo sa susunod na taon.
“The Workers' and Peasants Party (WPP) is not opposed to religious leaders running for public office; however, we strongly object to the misuse and hijacking of our party's name to bolster a candidacy, particularly in the case of Apollo C. Quiboloy. He is neither a member of our party, nor a guest candidate, and has not received any nomination from our authorized officers,” pinunto ng kilalang labor leader sa kanyang hinaing petisyon sa Comelec.
Itinuring ni Matula ang pagkakalagay na kandidato si Quiboloy ng WPP bilang panlilinlang sa mga botante: “He (Quiboloy) is playing ‘smoke and mirrors’ at the expense of (our) party and (is) “exploiting the electoral process as a smokescreen to deflect attention from the serious criminal charges he faces, including qualified human trafficking and sexual abuse of minors.”
“This undermines the integrity of the 2025 senatorial elections and makes a mockery of our democratic system,” saad pa sa petisyon.
Idinagdag pa na napagalaman na walang kalakip na awtorisadong certificate of nomination and Acceptance (CoNA) ang certificate of candidacy (CoC) ni Quiboloy kaya narararapt lamang na kanselahin ito.
Napagalaman din na ang kumatawan kay Quiboloy sa paghain ng kanyang CoC ay ang abogadong si Atty. Mark Tolentino, na hindi naman kasapi at hindi rin kumakatawan sa interes ng WPP.
“It . . . destroys the image of the WPP in the public as if it is endorsing a person accused of qualified human trafficking and sexual abuse of minors and now detention for these grave crimes as its candidate,” pagdidiin ni Matula.