top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Jo Koy nasaktan sa puna sa kanyang Golden Globes hosting

1/10/24, 12:50 PM

Ni MJ Blancalor

Gumawa man ng kasaysayan ang komedyanteng si Jo Koy bilang kauna-unahang Filipino-American na nag-host ng Golden Globes, hindi siya nakaligtas sa kritisismo ng mga Pinoy dahil umano sa kanyang palpak na performance.

Sa kanyang panayam sa "Good Morning America," inamin ng stand-up comedian na nasaktan siya sa negatibong komento sa pagiging host niya sa pagtitipon ng mga Hollywood A-listers at pinakasikat na personalidad sa US.

“You know, I’d be lying if [I said] it doesn’t hurt,” ani Koy. “I hit a little moment there where I was just like, hosting is just, it’s a tough gig. And, yes, I am a stand-up comic. With the hosting position, it’s a different style.”

“I feel bad, but hey, I gotta still say that I loved what I did,” dagdag pa niya.

Depensa pa ni Jo Koy, 10 araw lang ang naging paghahanda niya at ng mga writer para sa programa.

Tinawag niya ring “crash course” ang kaniyang hosting gig.

“I literally got the call and haven't slept since, just trying to write something, just to write what we had to write," aniya.

Bagaman malaking pagsubok ang paghahanda nila sa naturang hosting job, natutuwa pa rin daw siya sa nagawa ng team na nasa likod ng programa.

Umani ng puna si Jo Koy, 52, sa Amerika at sa Pilipinas matapos makornihan ang audience sa ika-81 edisyon ng Golden Globes nitong Lunes (oras sa Pilipinas) na ginanap sa The Beverly Hilton hotel sa California.

"please stop texting me about jo koy, he’s only half filipino we are not responsible for the other half. philippines innocent," sabi ng isang social media user.

"jo koy elicits in me something the opposite of filipino pride. i feel deep filipino shame," dagdag pa ng isang social media user.

Partikular na pinuna ang kanyang mga biro ukol sa pelikulang "Barbie" at sa global pop star na si Taylor Swift.

Wagi sa Golden Globes ngayong taon ang box-office hit na "Oppenheimer" at TV series na "Succession.

Comments

分享您的想法率先撰寫留言。
bottom of page