

HEADLINES
Japanese tech firm nag-aalok ng alak, hangover leave sa mga empleyado

2/11/25, 4:03 AM
Isang maliit na tech firm sa Osaka, Japan ang nag-aalok ng libreng alak sa trabaho at "hangover leave" upang makahikayat ng mga batang propesyonal na mag-apply sa kanilang kumpanya.
Sa ilalim ng programang ito sa Trust Ring Company, maaaring uminom ng alak ang mga empleyado habang nasa trabaho at pwede silang dumating nang late kinabukasan kung sila'y nalasing.
Personal pang nagdadala ng alak ang CEO at nakikipagtagayan sa kanyang mga empleyado sa paniniwalang makatutulong ito upang mapunan ang kakulangan sa mataas na sahod.
Nag-viral ang kumpanya dahil sa benepisyong ito.
"The starting salary at our company is 222,000 yen, which already includes 20 hours of overtime pay, so it’s almost the minimum wage," ayon sa CEO.
Dahil sa matagal nang pagbagal ng ekonomiya ng Japan mula noong 1990s, nahihirapan ang maliliit na kumpanya na makipagsabayan sa malalaking kumpanya na may kakayahang magtaas ng sahod.
"We really can’t raise the starting salary, so I think that small and medium-sized enterprises should focus on attracting talent with similar ideas," anang CEO ng Trust Ring.
Malugod namang tinanggap ng mga empleyado ang inisyatibang ito.
"Because I used the ‘hangover leave’ system, I can go back to work at 12 o’clock," kwento ng isang babaeng empleyado sa Kansai TV.
"You can sleep for 2 or 3 more hours and come back to work with a clear mind. I feel like I will be more efficient," dagdag niya.
Bagamat hindi pangkaraniwan, ipinapakita ng estratehiya ng Trust Ring ang lumalaking pangangailangan ng mga negosyo na maging malikhain para makahikayat ng mga batang empleyado. #