top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Ivana Alawi e-exit na ba sa Batang Quiapo?

7/15/24, 7:18 AM

Balak nang umalis ni vlogger-actress Ivana Alawi sa top-rated serye na "FPJ's Batang Quiapo," ayon sa kanyang management.

Sa isang vlog, sinabi ni Rose Garcia ng PPL Entertainment, Inc. na hanggang Hulyo na lamang ang taping ni Ivana para sa ABS-CBN program.

"It’s true na mawawala na siya sa Batang Quiapo dahil ayaw na! Pagod na! That’s the statement na sinabi sa akin," saad ni Garcia sa Marites University showbiz vlog kasama sina Jun Nardo, Ambet Nabus, at Mr. Fu.

"Kung papansinin ninyo si Ivana hindi naman talaga siya ‘yong ano, ang gagamitin kong term hayok o ‘yong anong-ano na magka-project," dagdag pa nito.

Pinabulaanan din niya ang tsikang e-exit lang ito dahil sa may attitude sa set.

Sa katunayan ay na-extend pa nga ang papel ni Ivana sa serye dahil pumatok ito sa mga manonood.

Mayroong higit 17.9 milyong subscriber si Ivana sa kanyang YouTube channel.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page