top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Italian Cardinal Parolin pinakamahigpit na karibal ni Cardinal Tagle sa papacy

4/30/25, 6:25 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Isang “seasoned diplomat”na pinagkatiwalaan ni Pope Francis sa loob ng 12 taon niyang panunungkulan ang inaasahan ng maraming Vatican observers na susunod na pontiff.

Si Cardinal Pietro Parolin, isang 70-anyos na Italyano, ang sinasabing magiging mahigpit na kalaban ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, ang karismatikong matalik na kaibigan ng yumaong Pope Francis.

Kinilala ang 67-anyos na si Tagle bilang “Asian Francis at naging katuwang ng yumaong papa sa adbokasiya sa pagtulong sa mahihirap, mga migrante at iba pang naaping tao.

Si Parolin ay naitalagang secretary of state ng Vatican sa loob ng halos kabuuan ng panahong nanilbihan si Pope Francis bilang lider ng Catholic church.

“He’s the best known cardinal of them all. But the question is whether his profile will help create a consensus around him. It could also work against him,” ayon sa ulat ng Agence France Presse na nagmula sa isang source mula sa Vatican.

Bagamat mahusay magsalita ng French, Spanish, Englist at Latin, si Parolin ay naharap rin sa mga isyu at hindi naman nagkaroon ng “pastoral responsibilities and has taken few positions on societal issues.”

Ngunit malaki ang pag-asa ni Parolin upang makapuwesto dahil sa marami sa mga boboto ay kanyang mga kababayan.

Ayon sa international media, dapat malagpasan ng pagiging Italyano ni Parolin ang dalawa sa pinakamabigat na isyung ibinabato sa kanya,.

Ang Italian cardinal ay isa sa mga nangunang arkitekto ng kontrobersyal na kasunduan ng Vatican at Cjhina noong 2018. Ang umanong secret pact ay nagbigay sa mga bishops sa China upang magkaroon ng higit na malapit an ugnayan sa Roma.

Ngunit tinuligsa ito ng mga kritiko, kasama si dating US House Speaker Nancy Pelosi, sapagkat ito umano ang dahilan kung bakit naging tahimik ang Vatican laban sa mga human rights violations sa mga Katoliko at iba pang relihiyoso na isinasagawa ng pamahalaan ng China sa kanilang bansa.

Isa pa sa naging puna kay Parolin ay noong magka-problema ng mabigat na financial burden ang Vatican.

Inaprubahan niya noong 2013 ang umanoy ill-advised investment sa isang property s London na naging sanhi ng pagkalugi ng Vatican ng halos 200 million euros.

Nakasuhan at convicted si Sardinian Cardinal Angelo Becciu dahil sa pangunguna niya sa masamang deal ngunit binuntunan pa rin ng sisi si Parolin dahil batid niya ang transaksyon.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page