top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Iranian coed naghubad sa campus bilang protesta sa mahigpit na hijab dress regulation

11/4/24, 4:41 AM

TEHRAN, Iran - Matapos na ma-harass at sirain ang kanyang damit ng mga security officers sa pinapasukang unibersidad, nagtanggal ng damit hanggang underwear na lamang ang matirang kasuotan ang isang babaeng estudyante sa university campus sa Tehran, Iran, isang istriktong Islamic state.

Iba’t-ibang mga video ang kumalat sa internet kung saan ang isang batang estudyante ay nagpakita ng protesta at pagsuway sa patakaran sa Islam na nag-uutos sa mga kababaihan na magsuot ng hijab.

Ipinakita sa mga video ang laking pagkagulat at pag-aalala ng maraming nakakita sa babae habang naglalakad ito sa campus ng Azad University sa Tehran. na nakasuot lamang ng bra at panty noong Sabado (Nobyembre 2).

Nakita rin sa video nang siya ay isama ng mga unipormadong kalalakihan na mga umanoy security guards ng universidad.

Napanood sa video na siya ay kinaladkad papunta sa isang sasakyan at hindi na nalaman kung ano ang nangyari sa kanya.

Naging viral ang video sa social media matapos na i-upload ng iba't-ibang sources.

Ayon sa mga ulat nagsimula ang lahat nang saktan umano ang babae ng mga security guard dahil sa maling pagkakasuot niya ng hijab o headscarf.

Dahil sa pangyayari, nasira umano ang kanyang damit kung kaya’t tinanggal na lamang ng bata ang kanyang natitirang saplot hanggang bra at panty na lamang ang natira.

Nahuli siya habang naglalakad-lakad sa loob ng unibersidad.

Marami ang nag-aalala sa naging kahinatnan ng babae na napabalitang idinetine sa isang istasyon ng pulis.

Marami rin ang humanga sa kanyang katapangan at pagpapakita ng protesta laban sa pamimisikal ng mga campus authorities.

Nanawagan ang Amnesty International na pawalan na ng mga awtoridad sa Iran ang bata.

Photo from the telegraph

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page